Letras Web

Tagumpay Nating Lahat

Lea Salonga

19 acessos

Ako`y anak ng lupang hinirang
Kung saan matatagpuan
Ang hiyas ng perlas ng Silangan
Nagniningning sa buong kapuluan

Taglay ko ang hiwaga ng Silangan
At saan mang bayan o lungsod
Maging Timog, Hilaga at Kanluran
Ang Pilipino ay namumukod

Refrain:
Sama-sama nating abutin
Pinakamatayog na bituin
At ang aking tagumpay
Tagumpay ng aking lahi
Tagumpay ng aking lipi
Ang tanging minimithi at hinahangad
Hangad ko`y tagumpay nating lahat

Ako ay may isang munting pangarap
Sa aking dakilang lupain
At sa pagsasama-sama nating pagsisikap
Sama-sama ring mararating

Ang iba`t ibang galaw, iisang patutunguhan
Dito isang araw, isang kapuluan

Sama-sama nating abutin
Pinakamatayog na bituin
At ang aking tagumpay
Tagumpay ng aking lahi
Tagumpay ng aking lipi
Ang tanging minimithi at hinahangad
Hangad ko`y tagumpay nating lahat
Hangad ko`y tagumpay nating lahat

Top Letras de Lea Salonga

  1. Someones Waiting For You
  2. I Remember The Boy
  3. Happy Birthday Song
  4. I Still Believe (From Miss Saigon)
  5. Bakit Labis Kitang Mahal
  6. Lupa Man Ay Langit Na Rin
  7. Tagumpay Nating Lahat
  8. Liman-Dipang Tao
  9. Can We Just Stop And Talk Awhile
  10. Ngayon Pa Lang Tagumpay Ka Na