Letras Web
Aegis

Bayan Ko

Aegis

8 acessos

Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag

At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa

Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang 'di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya


Top Letras de Aegis

  1. Bulag Pipi At Bingi
  2. Minahal Kita
  3. Mahal Na Mahal Kita
  4. Halik
  5. Aegis Medley
  6. Asul
  7. Sundot
  8. Luha
  9. Sayang Na Sayang
  10. Usapan

Pela Web