Letras Web

Awit Ng Magdaragat

Joey Ayala

2 acessos

Tinawid ng ninuno ko ang karagatan

Dumaong sa aplaya, nagtatag ng tahanan

Umibig at inibig at nabuhay ang angkan

Ng magdaragat

Dumaan ang panahon, at ngayon, heto ako

Tahanan ay aplaya tulad ng aking ninuno

Na-pukot ng pag-ibig, may pamilya't inapo

Ng magdaragat



Nakalulan -- sa paraw ng kasaysayan

Lumalayag -- sa agos ng panahon

Lumulutang -- sa kandungan ng alon

Ito ang buhay magdaragat



Buhay ay nababago ayon sa pangitain

Kay raming mga hamon at kay raming gagawin

Magpayabong ng buhay at siyang aanihin

Ng magdaragat



Magmasid, magbantay

Magpayabong ng buhay

Magmasid, magbantay

Magpayabong ng buhay

Ito ang buhay magdaragat

Top Letras de Joey Ayala

  1. Mga Ninuno
  2. Karaniwang Tao
  3. Walang Hanggang Paalam
  4. Magkaugnay
  5. We Are Never Alone
  6. Butanding
  7. Awit Ng Magdaragat